Wednesday, December 16, 2009

Paskong Pinoy


Paskong Pinoy
Christmas, Filipino style


Ang litratong eto ay kuha noong Disyembre 30, 2006, ang huli kong Pasko sa Pilipinas. Kaugalian na namin sa simbahan tuwing Disyembre na magkaroon ng Christmas Party. Sa mga nakaraang maraming taon, ako ang tagapangasiwa ng aming Christmas Party at isa sa pinakamasayang programa sa party ay ang bigayan ng regalo. Kahit simple lang ang aming salo-salo at regalo, masayang masaya kaming lahat sa aming pagtipon tipon upang ipagdiwang ang Pasko.

Mula noong umalis ako ng Pilipinas noong taong 2007, ni minsan, hindi na ako nakaranas ng maligayang Pasko. Naaalala ko na lang tuwing Pasko ang mga masasayang pagtipon tipon namin sa simbahan noong nasa Pilipinas pa ako. Iba talaga ang Pasko sa ating bayan.


The picture above was taken on December 30, 2006, my last Christmas in the Philippines. It has been our practice in church to hold a Christmas Party every December. For many years, I was in-charge of our Christmas Party and one of the most exciting parts of the party is the gift-giving. Even though our party is simple, we are all happy to gather together to celebrate Christmas.

Since I left the Philippines in 2007, I have never experienced a happy Christmas like what I had in the Philippines.



6 comments:

an2nette said...

masaya talaga ang pasko dito sa pinas kaya dito na kami nagpapasko
malungkot kasi sa Alemanya, hapi LP and meri krismas na rin

shutterhappyjenn said...

Kapag Christmas talaga, dami nating a-attend-an na Christmas parties. Nakakapagod, pero super saya naman.

Ang aking LP entry ay nakapost DITO. Happy Huwebes!

luna miranda said...

nalungkot naman ako sa post mo. sana lahat ng nangungulila sa kani-kanilang pamilya ay magkaroon din ng maligayang pasko kahit wala dito sa Pinas.

Ebie said...

Sana maging masaya na rin ang Paskong darating.

Balang araw, maging kapitbahay narin tayo, hindi lang ham ang matikman mo, dahit dito ka na mag dinner, hehehe!

jenie said...

nakakamiss nga talaga ang pinas, lalo na ang pasko dito.

im glad you love my blogs, hope you love them enough to link them? will be linking you back ;) let me know.

Ej Casabuena said...

That's the best part of spending christmas s Pilipinas.. :)

REUNION

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin